TRUMPO
December 4, 2007
ito ang 'cartographic' sketch ko ng laruang trumpo (hehe). siguro ay marami sa inyo ang nakakakilala at nakapaglaro nito. kung ang idad mo ay 30 pataas, at lumaki sa probinsiya, alam ko, madami ka ring karanasan pagdating sa trumpo.
alam nyo, pinakamaganda ang trumpo ko nun, kumpara sa mga kalaro ko, maganda at makinis ang pagkakagawa. ang tatay ko kase ang tagagawa ng trumpo ko. gusto niyang maganda ang trumpo ko. ang tip niya sa akin, kung gusto ko raw ng matibay na trumpo, dapat at puno ng bayabas o kaya ay sampalok ang gawin kong trumpo (maganda ito kung trip mong makipagbasagan ng trumpo), kung gusto ko naman ng umuugong (wid natural sounds effects..hehe) habang umiikot, maganda daw gamitin yong puno ng kamatsili.
'yong mga bata ngayon, bihira na lamang ang alam maglaro nito. 'yong iba nga kapag tinanong mo kung ano ang trumpo, ang isasagot sa iyo "anu yun, computer games ba yun?"
Previous Comments
dito uso rin yang trumpo na yan pero sa kanila naman ay plastik, sempre mas maganda yung gawa sa kahoy. magaling din ako mag trumpo, dati yun, hehe. salamat sa pagdalaw sa bahay ko ha
Posted by kengkay at December 10, 2007, 7:45 pmsalamat po sa pagdalaw nyo..halikayo at magbalik tanaw tayo! hehe
Posted by pusanggala at December 17, 2007, 1:11 pm






NICE!!!
thanks for the visit!
Posted by reyna elena at December 4, 2007, 6:05 pm