samot saring kwento ng buhay, paglalakbay, sining, kultura at iba pa.

Home » Post Item » Dyok…dyok…dyok

Dyok…dyok…dyok

November 22, 2007


Bobo: pare hulaan mo ugali ko, nagsisimula ng letter A 

 Pare: approachable?

 Bobo: mali

 Pare: amiable

 Bobo: mali pa rin

 Pare: o sige, sirit na nga

 Bobo: Anest (Honest)

Policeman arresting a prostitute

 Prosti: I am not selling sex

 Police: Then what are you doing?

 Prosti: I'm a saleswoman selling condoms with free demo.

—————————-

Bush: What are the pollutants in your country?

Jingoy: We have lots of pollutants.. ..we have sisig, kilawin, chicharon, mani

Erap: Anak, may nakalimutan ka, Boy Bawang (cornik).

—————————-

Tindero: Hoy, bili ka gatas ng baka. P10 piso lang isang baso

Manong: Ang mahal naman, may tig piso lang ba nyan?

Tindero: Meron po, pero kayo na po ang dumede sa baka.

—————————-

Pasyente: Dok, bakit po ganito ang operasyon sa ulo ko? Halos kita na utak ko

Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open minded.

—————————-

A naked girl rode on a taxi

"Bakit" asked the girl at the driver na nakatitig sa katawan nya.  "Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad?"

Driver: "Hindi po miss, iniisip ko lang kung saan nakatago pamasahe mo"

—————————-

Beauty contest

Emcee: What's the big problem facing the country today?

Contestant: Drugs

Emcee: Very good, why do you say that?

Contestant: Ang mahal kasi eh!

—————————-

Amo: Bakit ka umiiyak?

Katulong: Sabi po ni dok tatanggalan po ako ng butlig

Amo: Butlig lang iiyak ka na…

Katulong: Kasi ok lang kung right lig or left lig lang po.. pero bakit naman butligs pa…..

—————————-

Doc: Ano trabaho mo hija?

Girl: Substitute po

Doc: Hindi kaya prostitute?

Girl: Hindi po, mama ko po ang prostitute at kung may sakit siya ako po yung substitute..

 —————————-

Doc: For your health take only a cup of rice, lean meat and a saucer of kangkong.

Fruits for dessert and lots of juice….

Fat guy: Doc, shall I take them before or after meals?

—————————-

Nahuling may kodigo ang estudyante.. .

Guro: Ano 'to?

Estudyante: Prayer ko po, ma'am!

Guro: At bakit answers ang nakasulat?

Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!

—————————-

SIOPAO

Kulas: Miss, isa ngang siopao… 'yung babae.

Waitress: Babaeng siopao?

Kulas: Oo. 'Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.

Waitress: Ahh, ganun po ba? Lalaki po ang nandito.

 Kulas: Lalaki?

 Waitress:Kasi po, may itlog sa loob!

 —————————-

A Chemistry teacher asked a sexy student, "What are NITRATES?

The student replied shyly, "Ma'am, sa motel po.

NITRATES are higher than day rates!"

—————————-

Usapan ng dalawang mayabang…

Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.

Diego: Alam ko.

Tomas: Ha? Paano mo nalaman?

Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

—————————— 

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.

Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang

sabihin kung may basketbol sa langit.

Naunang namatay si Dado.

Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.

"Ikaw ba 'yan, Dado?" usisa ni Rodel.

"Oo naman!" tugon ni Dado.

"Parang hindi totoo!" bulalas ni Rodel."O, ano, meron bang basketbol sa langit?"

Sagot ni Dado, "May maganda at masama akong

balita sa 'yo. Ang maganda, may basketbol doon. Ang masama…

kasali ka sa makakalaban namin bukas!" (ngek!)

——————————————-

 

Rodrigo: Bakit bad trip ka?

Harry: Nagtampo sa 'kin ang utol ko.

Rodrigo: Bakit naman?

Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.

Rodrigo: 'Yun lang? Anong masama ru'n?

Harry: Ang masama ru'n… twins kami! Twins!

 


Posted by pusanggala at 1:00 pm | permalink

Previous Comments

hokey sa olrayt! lols!

Posted by BURAOT at December 9, 2007, 6:02 pm