samot saring kwento ng buhay, paglalakbay, sining, kultura at iba pa.

Home » Post Item » Busyok: Ang makabagong kalabaw

Busyok: Ang makabagong kalabaw

November 21, 2007

  Mang Inggo: Busyok, matulog ka ng maaga at mag-aararo tayo bukas.

Busyok: Boss naman, ang init kaya dun! Mag-handtractor ka nalang at tatapusin ko na yong pinapa-encode mo!

Minsan ay pumasok rin sa isip ko ang paggawa ng isang character na masasabi kong ‘akin’. At pumasok sa isip ko ang kalabaw. Oh, marahil ay iniisip ninyo kung bakit pati kalabaw eh pinagtitripan ko? Anu ka bangag?! Laos na ‘yan ah? Oo laos na nga ang kalabaw dahil inagawan na ito ng role ng mga makabagong makinaryang pambukid. Pinaglumaan na nga ba ng panahon ang kalabaw? Eh pano kung i-empower kaya natin ang kalabaw? Turuan natin ng bagong trabaho (marahil ay pagod narin sila sa kahihila ng araro sa bukid… Hehe). Total may e-farm na ang k-Agrinet eh di isabak na natin sa IT ang kalabaw!

Ito ang mga pangunahing dahilan kaya nilikha ko si ‘Busyok’–ang makabagong uri ng kalabaw! Sumasabak sa office works, at computer literate! Oh di vhah?

 


Posted by pusanggala at 6:14 pm | permalink

Comments are closed.