samot saring kwento ng buhay, paglalakbay, sining, kultura at iba pa.

Home » Post Item » Kakaibang iba!

Kakaibang iba!

November 12, 2007

Mahilig akong gumuhit ng mga kakaibang bagay. Kakaibang laruan, kakaibang mukha, nilalang, kasangkapan o kaya naman ay lugar o pangyayari. Pero sadyang napakahirap mag-imagine at ipakita ang detalye ng mga bagay na hindi pa nakikita. Kaya hindi rin maiiwasang mangopya mula sa mga orihinal, at totoong bagay.  Madalas kong pag-isipan ang mga ito habang naglalakad-lakad ako at ang resulta, madalas rin akong napagkakamalang wala sa sarili at nagmumukhang tanga. Minsan, na-realize ko rin na hindi pala kailangang laging kakaiba ang itsura ng mga bagay na iguguhit para magmukha itong kakaiba. Kailangan lang pagpalit-palitin ang mga normal na bagay mula sa mga nakasanayang posisyon nito at kakaiba na ang magiging resulta. Masnakakatuwa pa dahil masnakaka-relate ang mga makakakita nito.

Pano kaya kung nagkabaligtad ng pwesto ang ibon at ang isda nung lalangin sila? Ang ibon ay nakatira sa tubig at ang isda ay nakatira naman sa puno at nakakalipad.

Peter : John, saan ba ang punta mo? John: Pupunta ako sa gubat para manirador ng isda.

Peter: Mabuti pa, sumama ka nalang sa akin. Mamingwit na lamang tayo ng ibon sa ilog.

 

 

Naitanong mo naba sa sarili mo ito? Kung sa halip na manganak ang tao ay nangingitlog ito, ano naman kaya ang mangyayari? Eh paglabas ng itlog mula sa sinapupunan ng kanyang ina, ilang buwan, taon o araw kaya bago ito mapisa? Siguro paglabas ng baby mula sa itlog, nakakalakad na ito? Aba, menus gastos sa gatas! (napakamamahal pa naman ng mga lumulabas na formula milk ngayon) at siguradong hindi rin gaanong in-demand ang mga diapers. At siyempre, walang birthday cake! (bling…bling)

Nanay: Junior, hayan na pala ang tatay mo! Junior: ‘Tay… Tay… kanina kapa namin hinihintay ni inay eh. Tatay: (Lapit sa sisiw…este anak pala) Ganun ba anak? Kinuha ko kase itong Hatch Day Cake mo eh. Happy Hatch Day! Junior : Thank you po, ‘ Tay!

 Minsan din, kapag wala akong magawa sa buhay, kahit ano pinagti-tripan ko! Pati sayaw at kanta hindi ko pinapaligtas.

Askal: Takal, kaya mo bang sayawin ‘yong kanta ni Bayani, iyong “otso-otso”? Takal (Taong Kalye): Naman, ang daming nakakakita eh! Nahihiya ako eh… Askal: Ano? Sasayaw ka ba o pupulutanin kita?

Takal: ‘To naman dina mabiro(inis). Sasayaw na!

 

 

(NOTE:all illustrations are provided by the author himself)

 


Posted by pusanggala at 12:19 pm | permalink

Comments are closed.