My Grade School Story
October 24, 2007“Grade one…naiiWAN sa punong kawayan!” Inis na inis ako noon kapag inaasar kami ng mga grade TWO. Sasagot naman ako, (todo lakas) “Grade two, mukhang paTO!”
Grade II
Syempre hindi ko na sinasabi ang “Grade two, mukhang paTO!" Ako na ang nagsasabi ngayon ng.. "Grade one naiiwan sa punong kawayan". Ganti-ganti lang yan!
Uy, may medal ako nun –most silent student. I deserve it! Di kase ako kumikibo kapag tinatanong ng teacher sa recitation. Matapos kung makilala si Florante at Laura, may pangalan pa akong gustong makilala noon… si BIKA at KULTURA. Pero natapos ang skul year bigo akong nakilala sila at hindi pala sila tao na kagaya ni Florante at Laura na mga characters sa kwento! Hanggan sa nalaman ko na lamang na title pala ito ng isang subject, SIBIKA AT KULTURA! Kung nalaman ko agad, di
Grade III
Natuto na akong dumaldal kaya hindi ko na nakuha ang award na “most silent student” (sayang!).
Tumaas nga pala ang grades ko! Hindi ko alam kung bakit. Di naman ako nagpa-tutor at hindi rin nagsipag ng pag-aaral. Dito ko nalaman na hindi man nakakapagpatalino ang pulboron, ay nakakapagpataas ito ng grades! Pero epektib lang ito kung dun ka sa titser mo bibili (kindat…kindat)
Grade IV
Naging close ang nanay ko at ang principal ng school. Ewan ko ba, lagi siyang pinapatawag kapag nakakagawa ako ng akala nila ay
Dahil sa mga ganitong hindi maiiwasang panggayari, nag-enjoy ako sa pag-absent at halos ayaw ng pumasok sa eskwela! Pero namansin ito ng Lolo Bob ko kaya pinangaralan ako. “Mag-aral mabuti. Iba kapag tapos ka ng pag-aaral. Kahit magkabagsakbaksak ka, basta ituloy mo lang ang pag-aaral, balang araw makakagraduate ka rin. Kung hihinto ka, sayang mamimiss mo na ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na suspended ang klase o kaya naman ay absent ang titser nyo.” Oo nga! Masaya yun diba?! Convincing! (bling…bling)
Grade V
Nakakainis, ako ang ginawang escort sa klase namin –di ko pa naman type ‘yong ginawang muse! Nakakawalang gana tuloy. Napansin uli ito ng Lolo Bob ko kaya nag-share uli siya ng words of wisdom (pangaral na halos wala kang mapulot na aral). “Wag mawawalan ng gana sa buhay. Habang may sabaw, higop ng higop! Kung gaano ka kalakas kumain,
Grade VI
Parang na-mental block ako…wala na akong maalalang mga pangyayari nung grade six ako. Basta ang alam ko lang, nagtatatalon ako sa tuwa! Dahil sa wakas ga-graduate na ako! Feel na feel ko ang graduation dahil sa wakas ay matatakasan ko na rin yong teacher namin na mahilig magpa-squat! Yehey! Pero saying kase wala akong nabuong graduation pictures (inis).







