samot saring kwento ng buhay, paglalakbay, sining, kultura at iba pa.

Home

notice

February 17, 2008

this site is temporarily inactive… sorry for inconvenience

pls. feel free to visit my other blog. thank you

http://blographics.wordpress.com

Posted by pusanggala at 4:13 pm | permalink | Comments Off

Lozada: What is Neri afraid to say and why?

Here’s a short write-up that Jun L wrote sometime in October. He wanted me to disseminate it without attribution. I believe he was motivated both by his genuine concern for a beleaguered friend who was being maligned no end, and his desire, even then, for the truth to somehow surface. He left it up to me as to how and when to disseminate it.

I did not find any compelling reason to get it out then. But now that Jun has told it all, and Neri is being invited back to testify, I believe the public deserves to know what was (and maybe still is) in the mind of Neri – at least from the point of view of a friend. I’m sure Jun will not mind. – Vicente "Enteng" Romano III, convenor, Black and White Movement. (more…)

Posted by pusanggala at 3:17 pm | permalink | View this entry

Poverty

December 7, 2007

it's not money
for you can't buy everything
it's not food
for you will hunger again
it's not love
for once more you can gain it
it's not shelter
for surely you'll find one
it's not knowledge
that vanishes with time
it's not fame
for people will soon forget
it's not power
for into dust we shall return

Poverty is the absence of God
in our lives.

this is from my collection of poems.  it was created by MA dela Cruz

Posted by pusanggala at 5:06 pm | permalink | comments[2]

TRUMPO

December 4, 2007

 ito ang 'cartographic' sketch ko ng laruang trumpo (hehe). siguro ay marami sa inyo ang nakakakilala at nakapaglaro nito. kung ang idad mo ay 30 pataas, at lumaki sa probinsiya, alam ko, madami ka ring karanasan pagdating sa trumpo.   (more…)

Posted by pusanggala at 11:41 am | permalink | comments[3]

Shopping is better than sex, say four in ten women

November 24, 2007

Nakakatuwa naman ang resulta ng isang survey na ginawa. Heto at i-share ko sa inyo. 

Four in ten women would rather go shopping than have sex, researchers say.

And half of those who have been married for 20 years or more would happily get by without any at all.

The statistics may sound like an insult to their husbands. But there is some good news for men – 72 per cent of wives still fancy their partners, giving them seven out of ten or higher on the scale of sexual attractiveness. (more…)

Posted by pusanggala at 2:06 pm | permalink | Comments Off

Dyok…dyok…dyok

November 22, 2007


Bobo: pare hulaan mo ugali ko, nagsisimula ng letter A 

 Pare: approachable?

 Bobo: mali

 Pare: amiable

 Bobo: mali pa rin

 Pare: o sige, sirit na nga

 Bobo: Anest (Honest)

(more…)

Posted by pusanggala at 1:00 pm | permalink | comments[1]

Busyok: Ang makabagong kalabaw

November 21, 2007

  Mang Inggo: Busyok, matulog ka ng maaga at mag-aararo tayo bukas.

Busyok: Boss naman, ang init kaya dun! Mag-handtractor ka nalang at tatapusin ko na yong pinapa-encode mo! (more…)

Posted by pusanggala at 6:14 pm | permalink | Comments Off

Kayamanan sa Lupa

 Kagabi, habang nag-iisip ako ng kung anu-ano lang, naalala ko 'yong painting na isa sa pinakamatagal kong ginawa. Ang subject ko kase ay 'yong tao na nakagapos sa puno. at ang kakaiba dito, hindi lubid ang gumagapos sa kanya kundi "pera". Nasa 3rd year college ako nung gawin ko ito. medyo kainitan ko pa nun sa pagpipinta kaya naman kakaibang subject ang naiisip ko (sayang ngayon kase hindi ko na kayang gawin ito..hindi pa nakikilala, lubog na!hehe). "Kayamanan sa Lupa" yan ang pamagat ng painting ko. gumamit ako ng water color. wala pa akong maayos na brush (pati toothbrush) nung panahon na iyon.

"Bakit nakagapos sa pera 'yong tao?" yan ang madalas itinanong sa akin ng mga nakakapansin nito. nangiti lang ako at iniba ang usapan. ayaw ko kaseng sagutin. ang gusto ko lang kase ay ipakita ang obserbasyon ko at bahala na ang audience na sumagot sa sarili niyang tanong.    (more…)

Posted by pusanggala at 2:33 pm | permalink | Comments Off

Amazing Filipino Sorter Of Recycable Plastic Ontainers And Caps

Posted by pusanggala at 12:34 pm | permalink | Comments Off

QUOTABLEs

Sooner or later in life everyone discovers that perfect happiness is unrealizable, but there are few who pause to consider the antithesis; that perfect unhappiness is equally unattainable.

- Primo Levi

People have the right to be stupid. Some people abuse that privilege.

- Unknown

If you ever want to see a man cry..Put a beer in one hand and a naked woman in the other..And..MAKE HIM CHOOSE!

- Lisa BROOKS

Posted by pusanggala at 12:02 pm | permalink | Comments Off

INDAY MEETS KRIS ON KAPAMILYA DEAL OR NO DEAL

Talaga naman! Hindi na talaga mapipigil ang pagsikat ni Inday. Naimbitahan pa pala itong maglaro sa DEAL or NO DEAL! Ano kaya ang masasabi ni Kris dito? Eh si banker, tanggapin kaya ni Inday ang offer nya? Natutuwa ako kay Inday dahil sa binabago niya ang panget na imahe ng "typpical inday" na aanga-anga. Dapat lang dahil sa totoo lang magaling ang Pinoy. It's an Inday phenomenon!  Ang saya ng umaga ko dahil sa isang forwarded e-mail tungkol kay Inday. Forward daw ito ng frend ng frend ko na forward lang di ng frend ng frend na frend nya at forward din sa akin. Talaga namang sobrang daming napapasaya nitong  si inday. Teka….sino kaya ang pasimuno ng Inday stori na ito? Kilala nyo ba? Makuha kaya ni inday ang 3 milyon? hala i-clik ang link para malaman… (more…)

Posted by pusanggala at 8:20 am | permalink | comments[1]

Kakaibang iba!

November 12, 2007

Mahilig akong gumuhit ng mga kakaibang bagay. Kakaibang laruan, kakaibang mukha, nilalang, kasangkapan o kaya naman ay lugar o pangyayari. Pero sadyang napakahirap mag-imagine at ipakita ang detalye ng mga bagay na hindi pa nakikita. Kaya hindi rin maiiwasang mangopya mula sa mga orihinal, at totoong bagay.  Madalas kong pag-isipan ang mga ito habang naglalakad-lakad ako at ang resulta, madalas rin akong napagkakamalang wala sa sarili at nagmumukhang tanga. Minsan, na-realize ko rin na hindi pala kailangang laging kakaiba ang itsura ng mga bagay na iguguhit para magmukha itong kakaiba. Kailangan lang pagpalit-palitin ang mga normal na bagay mula sa mga nakasanayang posisyon nito at kakaiba na ang magiging resulta. Masnakakatuwa pa dahil masnakaka-relate ang mga makakakita nito.

Pano kaya kung nagkabaligtad ng pwesto ang ibon at ang isda nung lalangin sila? Ang ibon ay nakatira sa tubig at ang isda ay nakatira naman sa puno at nakakalipad.

Peter : John, saan ba ang punta mo? John: Pupunta ako sa gubat para manirador ng isda.

Peter: Mabuti pa, sumama ka nalang sa akin. Mamingwit na lamang tayo ng ibon sa ilog.

 

 

(more…)

Posted by pusanggala at 12:19 pm | permalink | Comments Off

TAKE IT EASY

October 26, 2007

Huwag hayaang mangyari ito…hinay-hinay lang bro!

(more…)

Posted by pusanggala at 11:50 am | permalink | comments[2]

My Grade School Story

October 24, 2007

  Grade I 

Grade one…naiiWAN sa punong kawayan!” Inis na inis ako noon kapag inaasar kami ng mga grade TWO. Sasagot naman ako, (todo lakas) “Grade two, mukhang paTO!”

 Grade II

Syempre hindi ko na sinasabi ang “Grade two, mukhang paTO!" Ako na ang nagsasabi ngayon ng.. "Grade one naiiwan sa punong kawayan". Ganti-ganti lang yan!

Uy, may medal ako nun –most silent student. I deserve it! Di kase ako kumikibo kapag tinatanong ng teacher sa recitation. Matapos kung makilala si Florante at Laura, may pangalan pa akong gustong makilala noon… si BIKA at KULTURA. Pero natapos ang skul year bigo akong nakilala sila at hindi pala sila tao na kagaya ni Florante at Laura na mga characters sa kwento! Hanggan sa nalaman ko na lamang na title pala ito ng isang subject, SIBIKA AT KULTURA!  Kung nalaman ko agad, di sana sibika at kultura nalang ang favorite subject ko at hindi Science! (inis)

Grade III

Natuto na akong dumaldal kaya hindi ko na nakuha ang award na “most silent student” (sayang!).

Tumaas nga pala ang grades ko! Hindi ko alam kung bakit. Di naman ako nagpa-tutor at hindi rin nagsipag ng pag-aaral. Dito ko nalaman na hindi man nakakapagpatalino ang pulboron, ay nakakapagpataas ito ng grades! Pero epektib lang ito kung dun ka sa titser mo bibili (kindat…kindat) 

Grade IV

Naging close ang nanay ko at ang principal ng school. Ewan ko ba, lagi siyang pinapatawag kapag nakakagawa ako ng akala nila ay mali. Siguro di lang sila nag-i-enjoy sa ginagawa ko. Mali sila dun!

Dahil sa mga ganitong hindi maiiwasang panggayari, nag-enjoy ako sa pag-absent at halos ayaw ng pumasok sa eskwela! Pero namansin ito ng Lolo Bob ko kaya pinangaralan ako. “Mag-aral mabuti. Iba kapag tapos ka ng pag-aaral. Kahit magkabagsakbaksak ka, basta ituloy mo lang ang pag-aaral, balang araw makakagraduate ka rin. Kung hihinto ka, sayang mamimiss mo na ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na suspended ang klase o kaya naman ay absent ang titser nyo.” Oo nga! Masaya yun diba?! Convincing! (bling…bling)

Grade V

Nakakainis, ako ang ginawang escort sa klase namin –di ko pa naman type ‘yong ginawang muse! Nakakawalang gana tuloy. Napansin uli ito ng Lolo Bob ko kaya nag-share uli siya ng words of wisdom (pangaral na halos wala kang mapulot na aral). “Wag mawawalan ng gana sa buhay. Habang may sabaw, higop ng higop! Kung gaano ka kalakas kumain, sana ay ganun ka rin ka-eager sa pagtuklas ng mga bagay-bagay. Matuto sa mga simpleng bagay at sana ay ma-enjoy mo ito”. Ano pa nga ba ang magagawa ko, kundi paniwalaan ang lolo ko?! Hala, pasok na uli sa eskwela.  

Grade VI

Parang na-mental block ako…wala na akong maalalang mga pangyayari nung grade six ako. Basta ang alam ko lang, nagtatatalon ako sa tuwa! Dahil sa wakas ga-graduate na ako! Feel na feel ko ang graduation dahil sa wakas ay matatakasan ko na rin yong teacher namin na mahilig magpa-squat! Yehey! Pero saying kase wala akong nabuong graduation pictures (inis).

Posted by pusanggala at 12:04 pm | permalink | Comments Off